Hair Loss
- Nacava
- Nov 16, 2019
- 4 min read
Updated: Nov 20, 2019
Ang paglalagas ng buhok ay hindi normal pero marami sa atin ang nakararanas nito. Kadalasan mga matatanda lang ang nkakaranas nito pero sa panahon ngayon, pati mga nasa edad 30 to 40 ay nararanasan na ang paglalagas ng buhok.
Ano ba ang mga Sanhi nito?
1. STRESS
Stress ay isa sa mga dahilan kung bakit ang buhok ay naglalagas. Kaya hanggat maari, huwag nating hayaang magpatuloy ito.
Ano ang dapat gawin?
Mag yoga
Magtsaa
Magexercise
Making ng musika.
Walk in nature.
2. PAGGAMIT NG MGA KEMIKAL SA BUHOK.
Marami sa atin ang mahilig sa pagpaparebond, pagpapakulay ng buhok o pagpapapagstyle ng buhok. Ngunit ang mga kemikal at maiinit na kagamitan ay sadyang dahilan ng paglalagas ng buhok. Ang mga kemikal na ito ay napupunta sa ugat ng buhok kung kayat namamatay ang buhok o nalalagas.Upang maiwasan ito, mapabuting limitahan ang paggamit ng mga nasabing kemikal lalo na rin ang paggamit ng mga kagamitan tulad ng plantsa at curler.
3. PAGBUBUNTIS/PANGANGANAK
Normal na nagaganap ang paglalagas ng buhok sa mga nagbubuntis o nanganganak dahil sa hormonal imbalance na nagyayari sa iyong katawan sa kasalukuyan. Babalik agad sa normal ang lahat makalipas ang dalawang buwan basta’t siguraduhin lamang na tama at sapat ang mga nutrisyong natatanggap ng iyong katawan.
4. KAKULANGAN SA TULOG AT PAHINGA
Ilang oras ng tulog nga ba ang kailangan ng isang tao? Iba-iba ang pangangailangan ng tao base sa edad, lebel ng kalusugan at lifestyle. Wala pang research ang makapagkumpirma kung ilang oras talaga kailangan ng isang tao. Ngunit ayon sa National Sleep Foundation, ang mga eksperto ay sumasangayon sa sumusunod:
kapapanganak na sanggol hanggang 2 buwan – 12-18 oras na tulog;
3-11 buwan – 14-15 oras na tulog;
1-3 taon – 12-14 oras na tulog;
3-5 taon11-13 oras ng tulog;
5-10 taon – 10-11 oras na tulog;
10-17 taon – 8.5-9.25 oras na tulog;
18-pataas – 7-9 oras na tulog.
5. KAKULANGAN SA NUTRISYON
Napakahalaga ng pagkain ng sapat at ang pag- eehersisyo upang mapanatiling masigla ang iyong buhok. Siguraduhin na ang pagkaing iyong inihahain ay may taglay na protina, Vitamin B, at iba pang mineral na tumutulong upang maiwasan ang pagkapanot. Ang buhok ay tumitigil sa paglago dahil hindi masuportahan ng katawan ang sustansyang kailangan ng buhok kaya ito ay nalalagas na lamang. Alopecia, lupus at hypothyroidism. Ang mga sakit na ito ay nagreresulta ng paglalagas ng buhok. Mabuting ipakonsulta sa doctor ang ganitong uri ng sakit upang mabigyan ng lunas habang maaga pa
6. NAMAMANA
Ang pagkapanot o paglalagas ng buhok ay nasa lahi rin. Kung may mga kamag-anak kang ganito rin ang nararanasan, posibleng ito’y mamana. Pagtanda. Kung pagtanda ang pag-uusapan, sadyang hindi na yata mapipigilan ang paglalagas ng buhok. Habang tumatanda na ay hinay-hinay ng nalalagas ang mga buhok. Mainam na habang bata pa ay alagaan ng wasto ang buhok upang hindi masyadong mapaaga ang paglalagas ng buhok
7. PAGGAMIT NG TAKLOB SA ULO Iwasang magsuot ng subrang sikip sa ulo na nagreresulta ng pagkasirà ng polikel. Ang subrero o anumang pantaklob sa ulo ay maaaring magdala ng sakit sa balat ng anit na nagreresulta ng pagkalagas. Iwasan na gumamit ng di sariling pantaklob sa ulo upang maiwasang mahawa ng sakit sa anit. Nararapat lang na siguraduhing laging malinis ang panaklob sa ulo upang ang sakit sa anit ay di magpabalikbalik.
8. PALILIGO GAMIT ANG MAINIT NA TUBIG Ang paliligó gamit ang mainit na tubig ay may magandang benepisyo sa katawan subalit sa buhok ay may masamang kapakinabangan. Kapag maliligó gamit ang mainit na tubig, iwasan na gamitin ito sa ulo dahil nagdudulot ito ng pagkalagas ng buhok.
MGA LUNAS
1. GATÁ O LANGIS NG NIYOG Ang gatà o ang kinatas mula sa kinayod na niyog ay nakapagbibigay ng kinang, dulas, sigla at lusog ng buhok. Inilalagay ito at minamasahe sa buhok ng 10 minuto at anlawan pagkatapos ng 30 minuto pagkamasahe
Ang langis naman ng niyog (niluto) ay pangkaraniwang inilalahok sa ilang halamang gamot na nakapagbibigay din ng magandang benepisyo.
2. SABILA / ALOE VERA Sinasabing ang aloe vera ay nakakatulong upang di manlagas ang buhok at muling tumubô ito. Sa pamamagitan ng paggamit nito ay sinasabing nakapanunumbalik ng kasiglahan ng anit sa pamamagitan ng pagbalanse ng pH at paglalabas ng oil sa balat.
Hiwain ang dahon at kumuhà ng dalawang kutsarang dyel mula dito. Ilagay sa buhok at imasahe sa anit ng ilang minuto. Hayaan ng dalawang oras bago maligo. Gamitan ng di matapang na shampoo, bago mag-anlaw. Gawin ito dalawang beses sa isang linggo.
3. ROMERO AT LANGIS NG NYOG Ang romero o rosemary ay sinasabing mabisang pampatubô ng buhok, naiiwasan din ang pagkalagas ng buhok. Sinasabi ding nakapagaalis ng lason na nasa anit at buhok. Binabalik din nito ang kulay ng buhok.
Ilagay sa hawong ang oil mula sa romero at langis ng nyog. Imasahe ito sa anit ng 10 minuto. Pagkalipas ng kalahating oras ay maaari ng anlawan na gamit ang di matapang na shampoo. Gawin ito, 3 beses sa isang linggo.
4. BULAKLAK NG GUMAMELA Ang bulaklak ng gumamela ay sinasabing nakakatulong upang di malagas ang buhok at nakapagbibigay ng magandang kinang at nakahahadlang sa pagkakaroon ng mga puting buhok.
Magpakulo ng langis ng niyog na may mga bulaklak ng gumamela ng ilang minuto. Kapag malamig na ay maaari ng imasahe ng 10 minuto, maaaring anlawan na may shampoo matapos ang 30 minuto pagkamasahe. Gawin ito dalawang beses sa isang linggo.
5. LUYA Ang katas ng luya ay sinasabing nakakaalis ng balakubak at nakakatulong din sa magandang pagtubo ng buhok.
Yadyadin ang luya at salain upang makuhà ang katas. Ilahok ang isang kutsarang katas ng luya sa langis ng linga o langis ng niyog. Imasahe ito at anlawan ng may shampoo pagkatapos ng 30 minuto pagkamasahe. Gawin ito tatlong beses sa isang linggo.
6. SALAY O TANGLAD Ang salay ay sinasabing nakakapagpatibay ng buhok at naiiwasang malagas ito.
Pakuluan ang tatlong tuyong salay sa isang basong tubig. Salain at palamigin. Gamitin bilang huling anlaw sa buhok. Gawin ng dalawang beses sa isang linggo.
AT IBA PA:
PERO mas mainam na magpatingin sa doctor o gumamit ng ACTIVE GROWTH.
Activegrowth aids current hair growth by boosting existing and replenishing lost scalp nutrients to promote increase in volume. Loaded with Extracts of Nettle Root, Eclipta Leaves, and Dong Quai plant. Save yourself an unfortunate hair-raising experience with each capsule.
TO ORDER, PLEASE VISIT:
Comments